Monday, August 11, 2008

guro. alab. alabok.

guro.
saan ka patungo?

kung ang baga ng iyong alab ay upos na.

at ang bukal ng iyong dunong ay simot na.

at ang gatas ng iyong kalinga ngayo'y abo at alabok na lamang.

kapwa guro.

ang mga sulok ng iyong silid aralan ay mga tuyong talulot na hindi nakakarinig sa iyong mga dasal.

mahal ka pa rin ba ng iyong yeso at pisara?

padayon..

No comments: