anuk anuk anuna
naayima ay ay anuna…
sa hampas ng aking gunita
nabulag sa mapanlinlang na awa
pighati’y sumikil sa laya
dunong tila nawala
anuk anuk anuna
naayima ay ay anuna…
yabag ng iniwang alaala
sa pusong inarok ng pagasa
anino mong inanod ng luha
pigil, pilit na pananampalataya
anuk anuk anuna
naayima ay ay anuna…
10.21am mla viernes 4 may 2007
No comments:
Post a Comment